Buong pagmamalaking ibinabahagi ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal Gitnang Luzon ang talaan ng mga pamahalaang lokal na nagkamit ng antas na Functional Peace and Order Council sa idinaos na performance audit ng Kagawaran para sa taong 2019 at 2021.

Samantala, ang Panrehiyong Konseho ng Kapayapaan at Kaayusan ng Gitnang Luzon ay nagkamit din ng markang Functional Peace and Order Council para sa taong 2021.

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga tagapangulo at miyembro ng mga Konseho ng Kapayapaan at Kaayusan sa patuloy na pagsusumikap patungo sa isang mapayapa at ligtas na rehiyon!