BABALA SA PUBLIKO ‼️

Kasabay ng pagbubukas ng PhilSys online Step 1 Registration nitong mga nakalipas na linggo, nakatanggap ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng mga ulat tungkol sa mga pekeng Facebook pages at websites na nagpapanggap na may kaugnayan sa PSA o PhilSys.

Binabalaan namin ang lahat na MAG-INGAT at I-REPORT ang mga grupong ito upang maka-iwas sa scam at maling paggamit ng inyong impormasyon. Ipinapaalala din na LIBRE ang pagpaparehistro sa PhilSys. WALANG ASSISTANCE FEE at WALANG DELIVERY FEE ang pagpapadala ng inyong PhilID.

Ang OFFICIAL na PhilSys website ay philsys.gov.ph. Habang ang OFFICIAL Facebook page naman ay www.facebook.com/PSAPhilSysOfficial.

Ang unauthorized na pag-issue at paggamit ng PhilID ay may karampatang parusa na tatlo hanggang anim na taong pagkakakulong at multang isa hanggang tatlong milyong piso (1,000,000 to P3,000,000). Ito ay ayon sa Implementing Rules and Regulation (IRR) ng R.A. No. 11055, o Philippine Identification System Act.

Basahin ang detalye rito: https://bit.ly/3wDfei2

Para i-report ang mga fake PhilSys groups o websites, pati na mga scammers, mag-email lamang sa info@philsys.gov.ph o tumawag sa PhilSys hotline 1388.