Taos-pusong pasasalamat po sa inyong lahat, aking mga kababayan sa walang sawang suporta at pagmamahal simula sa aking unang termino bilang Mayor hanggang nitong huling eleksyon para sa aking pangatlo at panghuling termino.

Isang napakalaking karangalan na mabigyan ng isa pang pag kakataon upang paglingkoran kayo at maisakatuparan ang ating ninanais na patuloy na pag-unlad ng ating mahal na bayan.

Lubos din po akong nag papasalamat sa mga tumulong at nagsakrisyo para sa halalang ito. Maramingnaganap, maraming mga nabitawang salita, naniniwala ako na parte at kasama ang mga ito para sa kampanya at eleksyon. Ngunit sa pagkakataong ito ay aking hinihikayat ang lahat na kalimutan at isang tabi ang mga ito at magsama sama tayo para sa ating iisang layunin na makapaghatid ng tapat, maayos na Serbisyong Totoo para sa lahat ng ating mga kababayan.

Hangad ko ang pagkaka-isa at pagtutulungan ng lahat para sa mas maunlad na mga mamamayan ng ating bayan.

Muli po ako, sampu ng aking pamilya ay lubos at pakumbabang nag papasalamat sa inyong lahat!

To God be the Glory!

ENG. ELOY C. ECLAR

Municipal Mayor