MARIING ipinapaalala ng PSA sa publiko na INGATAN ang inyong impormasyon at HUWAG i-post ang inyong PhilID, PhilSys Card Number (PCN) at PhilSys Number (PSN) sa social media.

Ito ay alinsunod sa DATA PRIVACY upang maiwasan maging biktima ng mga iligal na gawain katulad ng IDENTITY FRAUD o ang hindi awtorisadong paggamit ng nakalap na impormasyon.

Para sa mga transaksyon sa pribado o pampublikong sektor tulad ng mga bangko at government institutions, maaaring gamitin ang inyong PhilSys Card Number (PCN) kung hindi maipakita ang PhilID card. Ang PCN ay makikita sa inyong PhilID samantalang ang PSN ay makikita sa liham na nasa envelope na ipapadala ng PHLPost kasama ang PhilID.

PAALALA MULI na confidential ang PSN at HINDI DAPAT ibahagi sa publiko.

Mag-register sa ONLINE Step 1: https://register.philsys.gov.ph.

Magpadala ng mensahe sa m.me/PSAPhilSysOfficial, mag-email sa info@philsys.gov.ph, o tumawag sa PhilSys hotline 1388 para sa mga katanungan.