Pinapayagan nang mag-book ng appointment para sa PhilSys STEP 2 REGISTRATION ang registrants edad 15 to 17 years old at senior citizens edad 65 years old o pataas. Ito’y alinsunod sa IATF Resolution No. 114 na inilabas noong ika-6 ng Mayo 2021.

Ayon pa sa Section 12 ng Republic Act No. 11055 o ang PhilSys Act, ang PhilID ay isang opisyal na government-issued ID na maaaring gamitin sa mga transaksyong mangangailangan ng proof of identity o proper identification.

Ang PhilID ay maaaring gamitin sa pagbubukas ng bank account, pag-transfer ng pera at iba pang mga financial services. Inaasahang magagamit din ang PhilID sa pag-apply sa trabaho at pagkuha ng mga government documents.

Maaaring mag-book ng appointment sa 415 registration centers sa 78 probinsya sa bansa.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa: https://www.philsys.gov.ph/faq/

#IDNatin
#BIDAangMayDisiplina
#DisiplinaMuna See Less

SOURCE: DisiplinaMunaFacebookPage
Information shared by: DILGPhilippinesFacebookPage