Sa darating na semana santa, tayo po ay magdasal, magnilay-nilay at bumisita sa mga pinagmamalaking simbahan ng Bayan ng Gerona.

Narito ang ilan sa mga simbahan na maaari ninyong isama sa taunang panata ng Visita Iglesia:

1. St. Catherine of Alexandria Church – Matatagpuan sa Town Proper, Pob. 1, Gerona, Tarlac. Tinuturing na pinakamatandang simbahan sa Bayan ng Gerona.

2. La Sagrada Parish Church – Ang simbahan ay bahagi ng makasaysayang kaganapan, nang hinalikan mismo ni Pope Francis ang marmol na altar sa kanyang pagbisita sa Pilipinas noong 2015.

3. St. Josemaria Escriva Shrine- Ito ang kauna-unahang simbahan na pinatayo sa Pilipinas at sa Asya bilang pag kilala kay Saint Jose Maria Escriva. Ito ay kilala dahil sa “drive-through” Blessed Sacrament.

4. Expiatory Chapel – ang kauna-unahang Expiatory Chapel sa Pilipinas na matatagpuan sa Brgy. Parsolingan, Gerona, Tarlac.

Nais naming paalalahanan ang lahat na mangyaring sundin ang Health and Safety Protocols para sa kaligtasan ng lahat.